Calendar
Panlilibak sa mga nangungutang gusto wakasan ni Rep. Villanueva
IKINABABAHALA ni Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) Party List Rep. Eddie Villanueva ang lumalalang kaso ng mga Pilipino na nalilibak at naha-harass ng mga taong pinagkakautangan nila.
Isinulong ni Bro. Eddie ang House Bill No. 7736 (Fair Debt Collection Practices Act) upang maisaayos at ma-regulate ang paniningil ng utang ng ilang kompanya sa kanilang mga kliyente para maprotektahan ang mga nangungutang mula sa walang habas na pang-aabuso, harassment at iba pang uri ng pagmamalabis.
Ayon kay Villanueva, ang itinutulak niyang panukalang batas ang magsisilbing House version sa panukala na inihain ni Sen. Joel Villanueva sa Senado.
Layunin ng panukalang batas na matugunan ang dumaraming reklamo mula sa mga taong nakakaranas ng kalupitan mula sa mga financing companies, lending firms at online lending firms.
Sinabi ni Bro. Eddie na kalakip ng pag-unlad na ito ang talamak na kaso ng pang-aabuso at iba pang uri ng kalupitan mula sa mga lending companies tulad ng pamamahiya, pangbu-bully, mga pagmumura at pang-iinsulto.
“These practices include harassment, public shaming, intimidation, misuse of personal data and threats of criminal prosecution which undermine human dignity and erode public trust in the financial system,” pahayag ni Bro. Eddie Villanueva.
Ipinaliwanag ng mambabatas na layunin ng kanyang panukalang batas na magkaroon ng tamang framework na malinaw na nagtatakda ng mga alituntunin sa sistema ng paniningil ng utang ng iba’t-ibang lending companies sa kanilang mga kliyente.
“More importantly, the measure does not interfere with legitimate debt recovery or judicial remedies. It ensures that collection efforts remain lawful, proportionate and respectful of due process.
While debts may be enforceable, harassment, humiliation and coercion,” dagdag pa ng mambabatas.

