Calendar
PBBM bumisita sa ginagawang MMSP
ININSPEKSYON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Pasig segment ng ginagawang Metro Manila Subway Project (MMSP) sa Ortigas Avenue at Shaw Boulevard Stations na mag-uugnay sa Quezon City, Pasig City at Taguig City.
Pinangunahan ng Pangulo ang inspeksyon sa pre-construction at main works ng Shaw Boulevard Station sa Pasig City bago ang groundbreaking para sa Kalayaan Avenue at Bonifacio Global City (BGC) stations sa Taguig City.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, sinimulan ang konstruksyon ng Ortigas Station noong Setyembre 2024 matapos ang halos tatlong taong pagkaantala, habang ang pre-construction ng Shaw Boulevard Station ay halos 100 porsyento ng kumpleto.
“Tuloy-tuloy na ang konstruksyon ng mga istasyon ng subway sa Pasig. Malaking tulong ito sa mga komyuter lalo na sa mga nagtatrabaho sa Ortigas business district,” sabi ni Lopez.
Sa kasalukuyan, nasa 90.92% na ang kabuuang right-of-way acquisition ng buong MMSP at inaasahang matatapos nang buo sa Hunyo 2026.

