Calendar
Parak Batangas humakot ng korona, parangal sa VSR Sports Fest




LUNGSOD NG BATANGAS — Wagas na nagdiwang ang Batangas Police Provincial Office BPPO matapos humakot ng mga kampeonato at tropeo sa katatapos lamang na VSR Sports for All Inter-Agency Sportsfest 2026.
Personal na tinanggap ni PCol. Oliver B. Ebora, BPPO Provincial Director, ang papuri at pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Batangas Province Events Center (BPEC) noong Lunes, Setyembre 28, 2026.
Ang paligsahan, na ginanap mula Setyembre 7 hanggang 23, 2026, ay pinangunahan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto upang pag-isahin ang iba’t ibang ahensya sa pamamagitan ng isport.
Nasungkit ng Women’s Basketball Team at Hamster Race team ang korona bilang mga kampeon. Nakuha rin nila ang ikalawang pwesto sa tug of war, at ikatlong pwesto sa Kadang-Kadang sa Bao.
Nakakuha rin ng place sina PLtCol. Dwight Fonte, PCPT Kathleen Jayme at PSSg Mechelle Lubis, Pat Sheena Mae Lapara at Pat. Eternal E-Yella Godoy.
Ayon sa BPPO, ang tagumpay na ito ay patunay lamang na bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, handa rin ang kapulisan na manguna sa pagtataguyod ng malusog na pamumuhay at matibay na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at komunidad.

