Parak nakasamsam ng 15 gramo ng shabu

Alfred Dalizon Mar 29, 2025
25 Views

ISANG secret drug den sa Puerto Princesa City, Palawan ang nalansag ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police noong Martes, ayon kay PDEA Director General Isagani R. Nerez.

Ang anti-drug operation sa Brgy. Masipag nagresulta sa pagkakadakip ng limang tao kabilang ang pinaghihinalaang drug dive operator at pagkakakumpiska ng 15 gramo ng shabu na may halagang P102,000 at iba’t-ibang drug paraphernalia.

Nadakip sa raid sina alyas Jethro, 40; Jane, 33; Joy, 37; Michaela, 36; at Jeff, 45, ayon kay PDEA Region 4-B Director Lirio Ilao-Oximar.

Ang mga na-arestong suspek haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hinikayat ng PDEA ang publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa pagsugpo sa ilegal na droga sa ating mga komunidad.

Ayon kay Nerez, patuloy nilang pinagiigting ang kampanya laban sa ilegal na droga sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.