Calendar
Parak-QC ‘winalis’ 220 drug suspek
INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Officer-in-Charge, P/Col. Randy Glenn Silvio na umabot sa 220 suspek sa pangangalakal ng ilegal na droga ang naaresto sa isang linggong anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa Quezon City.
Kabilang sa mga naaresto ang 61 drug suspects, 99 wanted persons, 56 sugarol at 4 dahil sa illegal possession of firearms.
Sa kampanya laban sa iligal na droga, umabot sa 47 na operasyon ang isinagawa at nagresulta sa pagkakaaresto sa 61 drug suspects at pagkakakumpiska ng P3,617,248 na halaga ng iligal na droga.
Sa kampanya laban sa mga wanted persons, 99 na indibidwal ang naaresto, kabilang ang 37 most wanted persons at 62 other wanted persons.
Sa kampanya laban sa iligal na sugal, 56 na sugarol ang nasakote at nakumpiska ang P20,953 na bet money.
Nagsagawa rin ang QCPD ng apat na operasyon laban sa mga iligal na baril, na humantong sa pagkakarekober ng apat na baril at pagkakaaresto ng apat na indibidwal.
Naisampa na ang mga kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office, kabilang ang mga paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002); PD 1602 at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

