Todas

Paranaque buy bust 1 utas, 3 nasugatan

Edd Reyes Apr 10, 2025
31 Views

TODAS ang isang drug suspek at sugatan ang tatlong ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang mauwi sa engkwentro ang drug buy-bust noong Miyerkules sa Paranaque City na nagresulta din sa pagkakasamsam ng P27 milyong halaga ng shabu.

Dead-on-the spot ang hindi pa pinangalanang suspek habang ginagamot pa sa hindi binanggit na ospital ang tatlong sugatang ahente ng PDEA sa barilan dakong alas-5:30 ng hapon sa 506 A. Goodwill 3, Brgy. San Antonio, Paranaque.

Ayon sa ulat, nakatunog ang mga suspek na mga pulis ang kanilang ka-transaksiyon nang tanggapin ang mga markadong salapi, kapalit ng P2 milyong halaga ng shabu na kanilang ibinenta.

Humantong sa palitan ng putok ang pagkakatunog na pulis ang buyer ng mga droga.

Nadakip sa operasyon ang tatlong suspek at nasamsam sa kanila ang mahigit P27 milyong halaga ng shabu at boodle money na ginamit sa buy-bust habang nakuha sa nasawing suspek ang isang .9 mm pistol.