Kadiwa

Paranaque magkakaroon ng pinakamalaking Kadiwa market

Edd Reyes Sep 17, 2025
412 Views

NAKATAKDANG itayo ang pinakamalaking Kadiwa Market sa Pilipinas na magiging bagsakan ng mga murang paninda, pagkain at produktong pang-agrikultura sa Parañaque City.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, tatawaging “Baclaran Gateway Market” ang itatayong Kadiwa na magiging sentro ng pamilihan sa lungsod.

Layunin nito na palakasin ang kalakalan at mabigyan ng permanenteng puwesto ang halos 3,000 vendors sa Baclaran na kumakagat sa mataas na multa dahil sa ilegal na pag-okupa sa bangketa at kalsada sa Brgy. Baclaran.

“Ngayon po, ang ginagawa lang po natin, control with order. Hindi naman pwede nating alisin ang hanap-buhay sa kanila at libu-libo ang umaasa po rito.

Pero, with order lang. Meron tayong kapulisan, meron tayong task force na mag-aasikaso po rito para maayos po, pati po yung ating mga visitors, local and foreign, na pupunta po doon po sa ating Our National Shrine of Our Mother of Perpetual Help,” sabi ni Olivarez.

Itatayo ang pinakamalaking Kadiwa sa 10,000 metro kuwadradong lote sa tabi ng LRT 1 Redemptorist-Aseana Station upang madaling mapuntahan ng mga mamimili.

“These efforts have already been in place for a long time,our Kadiwa Market here in the City of Parañaque, through our Consumer Welfare Office, so that we can bring all the basic goods closer to all of our 16 barangays, especially the produce coming from the provinces,” paliwanag ng alkalde.