Fajardo PRO3 director Brig. Gen Jean Fajardo

Parcel delivery warehouse sa Bulacan nilooban; P.7M natangay

Bernard Galang May 15, 2025
16 Views

ISANG parcel delivery warehouse ang nilooban noong Miyerkules sa Guiguinto, Bulacan.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen Jean Fajardo, kinilala ng Bulacan police ang biktima na si Marvin, 42, Pandi, Bulacan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumabas na ang suspek ay nakapasok sa FS Rodriguez Commercial Compound sa Tiaong, Guiguinto, Bulacan habang nakabukas ang gate saka dumiretso sa bodega ng J&T at sinira ang lock nito gamit ang adjustable wrench.

Pagkapasok sa opisina, pinatay ng suspek ang kuryente, sapilitang binuksan ang isang safe box saka kinuha ang isang pouch na naglalaman ng hindi bababa sa P713,000 cash bago tumakas.

Sinusuri na ng pulisya ang kuha ng CCTV sa loob at labas ng bodega dahil walang security na nagbabantay sa bodega upang makilala ang suspek.