Ed Andaya

Paris Paralympians bigyang halaga

Ed Andaya Sep 6, 2024
155 Views

HINDI man kasing-init at kasing-ingay ng nakalipas na Paris Olympics, na kung saan nakapag-uwi ng karangalan sina gymnast Caloy Yulo at boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas, nararapat ding bigyan ng kaukulang pansin ang kampanya ng mga atletang Pilipino sa ginaganap na Paris Paralympics.

Anim na atletang Pilipino –para swimmers Ernie Gawilan at Angel Mae Otom, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, javelin thrower Cendy Asusano,taekwondo jin Allain Ganapin at archer Agustin Bantiloc — ang buong.giting na nakikipaglaban sa mga kapwa nila Paralympians mula 169 ibang bansa ngayong August 28 hanggang Sept. 8.

At bagamat bigong makapag-uwi ng medalya sa kumpetisyon na dinodomina ng China, hindi matatawaran ang tapang at galing na ipinamalas ng anim na Paralympians sa ilalim ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo.

Kaya naman kapuri-puri ang ipinakitang pagsisikap ni Philippine Ambassador to France Junever Mahilum-West at ng buong Filipino community sa Paris na bigyang halaga ang mga atletang Pilipino.

“Let us provide them all our support. May they ignite a new generation of para athletes and torch bearers who will carry forwardthis legacy of inspiration and dedication in the years to come,’’ pahayag ni Mahilum-West sa isang special na pagtitipon kasama ang Team Philippines sa Philippine Embassy.

“Paris 2024 is sending a message to the world of a gentle revolution for inclusion. Let’s us all heed this call through the programs and activities involving our community,’’ dagdag pa ni Mahilum-West

As far as the Paralympic movement is concerned, we are definitely trying our best to push the development of para sports in our country to further the Paralympic movement, the core values of which are determination, inspiration, courage and equality,’’ pagdidiin naman ni Barredo.

“The Ambassador mentioned inclusion revolution. Again, it is aligned with our mission and vision in the Paralympic movement to make for an inclusive world through para sport and an inclusive Philippines through para sport,’’ dugtong ni Barredo.

Ayon naman kay Philippine Deputy Chief of Mission Eric Gerardo Tamayo.aabot sa higir 25,000 Filipinos na naninirahan nflgayon sa France ang nagpapakira ng suporta sa national para athletes.

Bukod kina Barredo at Tamayo, kasama din sa Filipino delegation, na sinusuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC). base na din sa direktiba ni President Marcos, sina PPC Secretary General Goody Custodio, PPC Director for Para Sports Development Milette Bonoan at Paralympics Chef de Mission Ral Rosario.

Ang yumaong.table tennis player na si Josephine Medina ang huling atletang Filipino paralympian ang naka sungkit ng w bronze medal sa 2016 Paralympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

* * *

Congratulations sa Association of Philippine Journalists- Samahang Plaridel, Inc. sa matagumpay na pagdiriwang ng ika- 174th birth anniversary ni Marcelo H. Del Pilar nung Aug. 30.

Si Del Pilar, na mas kilala din sa kanyang pen name na Plaridel, ay itinuturing ding “Father of Philippine Journalism”.

Ang pagtitipon, na ginanap sa kanto ng M. H. Del Pilar St. at Quirino Ave. sa Ermita, ay dinaluhan nina Manila Vice Mayor Yul Servo at Mrs. Rica Pauline Villegas, na great great granddaughter ni Del Pilar.

Dumalo din sina National Historical Commission official Bryan Anthony Paraiso, Barangay 701 Chairperson Lilia Papa at Association of Philippine Journalists- Samahang Plaridel, Inc. president Evelyn Quiroz.

Ang Samahang Plaridel ay binubuo ng mga batikan at premyadong manunulat mula sa mga pangunahing pahayagan sa buong bansa.

Ang mga opisyales ng nasabing samahan ay nanumpa kay President Marcos at Supreme Court Chief Justice Alexander G. Gesmundo nitong nakalipas na dalawang buwan.

NOTES — Happy birthday to Mark Benedict Andaya-Ypil, na magdiriwang ng kanyang special day sa Sept. 11…

Happy birthday in heaven sa aking pinakamamahal na Lola Trinidad Susano sa Sept. 13. Una dito, nag birthday in heaven din ang aking Lolo Rene Catinting (Sept. 1).

For comments and suggestiobs, email to [email protected]