Angeli

Partner ni Angeli tinigasan sa shooting

Vinia Vivar Aug 6, 2024
60 Views

Inamin ni Angeli Khang na may pagkakataon ding nate-take advantage siya ng mga aktor na nakakaeksena niya sa kanyang mga ginagawang sexy films sa Vivamax.

Sa panayam ng tinaguriang Vivamax Queen sa online show na “Toni Talks” ni Toni Gonzaga ay napag-usapan nila ang proseso at preparasyon sa mga sexy scenes na ginagawa niya.

Ayon kay Angeli, noong una raw, akala niya ay madali lang maghubad at gumawa ng love scenes. Katwiran daw niya noon, iaarte lang naman daw niya ang mga maseselang eksena.

“But right now na medyo nag-widen ‘yung understanding ko sa pag-a-acting and patagal nang patagal, du’n ko nare-realize na nakaka-drain talaga siya, nakaka-drain na maghubad ka.

“Still, kahit may plaster, kahit na minsan, may double, ‘yung point of view pa lang na while doing it, kailangan, mentally prepared ka,” aniya.

Bukod dito, kailangan ay kumportable rin sila sa isa’t isa ng kapareha niya.

“And minsan, nai-stress ‘yung mga partners mo na kasi, ‘yung restrictions. Minsan, bawal hawakan sa dibdib or hanggang bewang lang, or dito (balikat) lang,” sey ng sexy actress.

Tanong naman ni Toni, “May time ba na you felt na taken advantage ka?”

Pag-amin ni Angeli, “Yes, a lot. Lalo na (sa) mga last movies ko.”

Naintindihan naman ni Toni na sa mga ganyang eksena ay hindi maiiwasan na ma-carried away at um-agree naman si Angeli.

“May times na habang naka-plaster, natanggal ‘yung plaster kasi tumitigas (ang pagkalalaki ng partner niya). Ta’s bago pa mag-take ‘yung direk, hinahalikan na ‘ko. After mag-take, hinahalikan pa rin ako,” she revealed.

Tinanong ni Toni kung ano ang ginagawa niya ‘pag ganu’n at sagot ng Vivamax actress, nagrereklamo siya sa direktor.

“Ako, nasa isip ko, ‘basta 1 take, go mo na.’ After nu’n, du’n na ‘ko magrereklamo kay direk. Sabi ko, ‘direk, nakita mo na ba na ganito, ganyan?’ Sabi niya, ‘oo nga, nakita ko,’” sabi ni Angeli.

Siya naman ay sinisiguro niyang hindi siya nadadala sa mga passionate scene.

“‘’Pag work, nasa isip ko talaga, work ‘to. While doing the scenes, maraming tao lagi kapag sexy scenes. Camera man, siguro two, three, may audio pa, ‘andiyan pa ‘yung direktor, kaya never po akong na-carried away,” aniya.