DOLE

Partnership ng OVP, DOLE, PAO pinagtibay

181 Views

PINAGTIBAY ng Office of the Vice President ang partnership nito sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Attorney’s Office (PAO) upang mas maraming Pilipino ang matulungan.

Isang Memorandum of Understanding (MoU) ang nilagdaan para maging pormal ang samahan ng tatlong ahensya.

“This is a formality ng initial na partnership na ginagawa na natin na referral between the Public Attornery’s Office and the Department of Labor and Employment,” ani Vice President Sara Duterte.

“This is just the beginning of establishing substantive and meaningful partnerships with government institutions. We hope to expand such partnerships for the benefit of our people,” saad pa ng Ikalawang Pangulo.

Sinabi ni Chief Public Attorney Dr. Persida Rueda-Acosta na naging posible ang partnership dahil sa mabuting kalooban ni Duterte.

Sa ilang dekada umanong pagseserbisyo ni Acosta sa PAO ngayon lamang umano nagkaroon ng kasunduan ang OVP at PAO para makapagbigay ng legal assistance sa mga mahihirap na Pilipino.

“Ang ating inaasahan ay lalong maabot ng mahihirap sa mga dalampasigan, kabundukan, at mga baybayin ang mga legal aid, o pagpunta ng korte, at paghingi ng hustisya,” sabi ni Acosta.

Ayon naman kay DOLE Undersecretary Felipe Egargo Jr. ang kanilang ahensya ay makikipagtulungan sa OVP sa implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Ang TUPAD ay isang community-based package para tulungan ang mga nawalan ng trabaho.