Gesmundo

Pasok sa mga korte half day sa Abril 5

182 Views

MAGPAPATUPAD ang Korte Suprema ng half-day work schedule sa lahat ng korte sa bansa sa Abril 5.

Ito ay batay sa SC Memorandum Order No. 56 na pinirmahan ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo.

“Pursuant to the Supreme Court Approved Calendar for 2023… the Supreme Court and all courts nationwide shall observe a half-day (until noon) work schedule on Wednesday, April 5, 2023,” sabi ng Memorandum

Nagdeklara rin ang Malacañang ng half-day sa mga ahensya na nasa ilalim nito sa Abril 5.