MWSS

Hirit ng water concessionaires dagdag na suplay ng tubig mula Angat

143 Views

UMAPELA ang mga water concessionaires na Manila Water at Maynilad na dagdagan ang alokasyong natatanggap nito mula sa Angat dam.

Hiniling ng dalawang kompanya na itaas ang kanilang alokasyon mula 50 cubic meters per second (cms) sa 52 cms.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kanilang ipapaabot sa National Water Resources Board (NWRB) ang hiling ng Manila Water at Maynilad.

Layunin sa dagdag na suplay na itaas ang lebel ng tubig sa kanilang water reservoirs para manatiling normal ang kanilang isinusuplay na tubig sa kanilang mga kustomer.