Calendar
PBAPC’s choice si Banchero
TULOY ang pangarap ng Meralco Bolts na makuha ang kanilang kauna-unahang PBA championship.
Salamat kay Chris Banchero.
.. At gaya ng kanyang ginawa sa panalo ng Meralco laban sa Barangay Ginebra sa deciding game ng kanilang best-of-seven semifinal series, umaasa ang Bolts na maipagpa-patuloy ni Banchero ang kanyang tapang at galing sa gagawing pagsagupa sa defending champion San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup finals simula sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
“I’ve been getting more opportunities this conference and I’ve been able to capitalize on that,” pahayag ni Banchero matapos mapili bilang PBA Press Corps-Pilipinas Live Player of the Week para sa period na May 29 to 31.
Si Banchero ang huling player na tatanggap ng weekly honor na ibinibigay ng mga sportswriters at columnists mula sa mga broadsheets, tabloids at online bago magsimulaang finals.
Bukod kay Banchero, na-kunsidera din para sa weekly award sina rookie Brandon Bates at Chris Newsome, na naging malaking bahagi din ng 78-69 panalo ng Meralco laban sa Ginebra sa FPJ Arena sa San Jose, Batangas.
Sa finals, buo ang tiwala nina Coach Luigi Trillo at consultant Nenad Vucinic sa kakayahan ni Banchero, na pumirma para sa Meralco nung early-2022 matapos maging l unrestricted free agent.
“They have a lot of belief in me to make plays, to make plays for the team and to be a leader for the team,”pagmamalaki ni Banchero.