BBM1

PBBM binisita ng 2 bagong ambassador sa bansa

181 Views

UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lalo pang titibay ang relasyon ng Pilipinas sa Chile at Qatar kasabay ng pagdalaw sa kanya ng bagong ambassador ng nabanggit na mga bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos kay Chilean Ambassador Alvaro Domingo Jara Bucarey na maaaring magtulungan ang Pilipinas at Chile sa disaster response, climate change, sektor ng enerhiya, at seguridad.

Ayon sa Pangulo, ikinokonsidera ng Pilipinas ang pagbawas sa paggamit ng fossil fuel at palitan ito ng renewable energy.

Sinabi naman ni Ambassador Bucarey sa Pangulo na nabago ng Chile ang produksyon ng enerhiya nito gamit ang solar energy.

“With solar energy we have been able to modify the energy production in Chile. And we would like to see the north of Chile… there is a lot of presence, tourism mostly but they have an immense potential for energy generation,” sabi ni Ambassador Bucarey.

Bumisita rin kay Pangulong Marcos si Qatar Ambassador Ahmed Saad Nasser Abdullah Al-Hamidi.

Sinabi ni Pangulong Marcos sa Qatari Ambassador na nais matutunan ang ginawa ng Qatar na hindi umaasa sa tradisyonal na pinagkukuhanan ng kita.

“I think that there are many areas that will provide us opportunities for partnership,” sabi ng Pangulo sa Qatari ambassador.

Ayon kay Al-Hamidi handa ang Qatar na makipagtulungan sa Pilipinas.