BBM1

PBBM: Detalyadong cropping schedule magagamit sa proteksyon ng lokal na magsasaka

173 Views

MALAKI umano ang maitutulong ng detalyadong cropping schedule upang hindi maapektuhan ng pag-angat ng produktong agrikultural ang mga lokal na magsasaka.

Ayon kay Pangulong Marcos dapat makakuha ng sapat na impormasyon kaugnay ng anihan ng iba’t ibang produkto sa bansa upang hindi masabayan ng pag-angat ang mga ito.

“Hindi tayo nag-i-import ng kahit anong produkto pagka maraming production para naman magamit natin lahat ng production na galing sa Pilipinas,” sabi ni Pangulong Marcos.

“Kung mag-i-import lang tayo, kung talagang may kulang and that’s what I mean about the cyclical nature of crops, that we have to be sensitive to that,” dagdag pa ng Pangulo.

Dahil sa climate change, nabago rin ang planting schedule ng mga lokal na magsasaka na maaari umanong gamiting bentahe upang makatatlong cropping cycle sa isang taon.