Suspek na tulak laglag sa shabu
May 18, 2025
Ipinalit sa ex-gf isang downgrade
May 18, 2025
Lalaki nawala, nakitang patay sa beach
May 18, 2025
Calendar

Nation
PBBM, First Lady Liza nakipagkita sa hari at reyna ng Thailand
Peoples Taliba Editor
Nov 19, 2022
368
Views
NAKASALAMUHA nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos ang sina Thailand King Maha Vajiralongkorn Phra Vajiraklaochaoyuhua at Queen Suthida Bajrasudhabimalalakshana.
Nakasama ng Philippine First couple ang iba pang lider ng bansa sa royal audience na ginanap sa Chakri Maha Prasat Throne Hall.
Nasa Thailand ang Pangulo at ilang matataas na opisyal ng Pilipinas para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Sinabi ni Speaker Martin G. Romualdez na sinang-ayunan at pinalakpakan ang Pangulo sa kanyang mga sinabi sa naturang pagpupulong.