DepEd Source: DepEd

PBBM gustong gawing P20K incentive para sa guro

Chona Yu Dec 10, 2024
49 Views

GUSTO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itaas sa P20,000 mula P18,000 ang service recognition incentive (SRI) ngayong 2024 ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Inatasan na ng pangulo ang Department of Budget and Management at Department of Education na paglaanan ng sapat na pondo ang mga guro.

“Teachers are [a] special category. So we have to handle that individually,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Mula sa P18,000 na SRI, nais ni Pangulong Marcos na gawin itong P20,000. Nasa 1,011,800 na DepEd personnel ang makatatanggap ng SRI.

Ang SRI ang taunang financial incentive na ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno bilang pagkilala sa kanilang commitment at dedikasyon sa pagbibigay serbisyo publiko.