Garafil

PBBM ipinag-utos paggawa ng maritime development plan

205 Views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) ang pagbalangkas ng isang development plan para sa maritime sector.

Ayon kay Office of the Press Secretary Undersecretary at officer-in-charge Atty. Cheloy Velicaria-Garafil nais ng Pangulo na mapaunlad at mapalawig ang maritime industry sa bansa.

Kasama umano sa gagawing plano ang pagpapa-unlad ng mga pantalan pang mas maraming cruise ship ang dumaong sa bansa na makatutulong ng malaki sa pagpapalakas ng tourism industry.

Sinabi ni Garafil na pinatututukan din ng Pangulo ang pagtiyak na nakasusunod ang mga lokal na eskuwelahan sa international guidelines.

“Inutusan din niya ang Marina na i-address ang problema ukol sa mga eskuwelahan na hindi nagko-comply sa educational quality standards base sa international requirements at guidelines,” sabi ni Garafil.

Binigyan-diin din umano ni Marcos ang pangangailangan na mataas ang kakayanan ng mga magtatapos na maritime student sa bansa.