PBBM itutulak interes ng PH sa ASEAN Summit

164 Views

ITUTULAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang interes ng Pilipinas sa ika-42 ASEAN Summit and Related Summits na gaganapin sa Indonesia.

Umalis si Pangulong Marcos noong Martes para sa dalawang araw na pagpupulong.

Dadalo ang Pangulo sa Opening at Plenary Session, ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga kinatawan ng ASEAN-Interparliamentary Assembly (AIPA), at ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga kinatawan ng ASEAN Youth.

Ang Pangulo ay dadalo rin sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga kinatawan sa ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-ABAC), ASEAN Leaders’ Interface kasama ang High-Level Task Force ng ASEAN Community Post 2025 Vision (HLTF-ACV), at sa welcome dinner na inihanda ni Indonesian President Joko Widodo, ang summit chair ngayong taon.

Ayon sa Pangulo bago umuwi sa Huwebes ay dadalo ito sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) sub region.

Igigiit umano ni Pangulong Marcos sa BIMP-EAGA ang kahalagahan ng kooperasyon sa sub region upang mapanatili ang pag-unlad ng mga ekonomiya.