BBM2

PBBM nag-aerial inspection sa Maguindanao

203 Views

NAGSAGAWA ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Maguindanao, isa sa mga lugar na lubhang napinsala ng bagyong Paeng.

Pinulong din ng Pangulo ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa lugar at mga ahensya ng gobyerno.

Pinangunahan din ng Pangulo ang pamimigay ng relief goods at tulong pinansyal sa mga nasalanta.

Ipinag-utos din ng pangulo ang pagpapaigting sa search and rescue operation sa lugar.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), 61 ang nasawi sanhi ng pananalasa ng bagyo sa probinsya– 42 sa Datu Odin Sinsuat, 8 sa Upi, 7 sa Datu Blah Sinsuat, 3 sa Barira, at isa sa South Upi.