BBM

PBBM nakiramay sa South Korea kaugnay ng Itaewon Halloween crowd crush

217 Views

NAKIRAMAY si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay South Korean President Yoon Suk-yeol at sa mga taga-South Korea kaugnay ng Itaewon Halloween crowd crush.

Ipinarating ng Pangulo ang kanyang pakikiramay sa isinagawang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)- Republic of Korea Summit.

“President Yoon, before I start, on behalf of the Filipino people, allow me to extend my condolences to you and all the people of South Korea for the shocking tragedy in Itaewon,” ani Pangulong Marcos.

Mahigit sa 150 katao ang nasawi sa trahedya noong Oktobre 29.

Nagpasalamat din si Marcos sa Republic of Korea sa pagtanggap sa halos 50,000 Filipino na naroon.

“I cannot end my talk without thanking the Republic of Korea,” dagdag pa ng Pangulo.