BFAR

PBBM: Paigtingin paglaban sa illegal, unregulated fishing

Neil Louis Tayo Jun 21, 2023
155 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magsagawa ng pag-aaral upang epektibong malabanan ang iligal at unregulated fishing sa bansa.

Iginiit din ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na tugunan ang hinaing ng mga stakeholder sa fishery sector gamit ang science-based approach sa pangangasiwa sa marine resources ng bansa.

Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang DA at BFAR na makipag-ugnayan sa Office of the Executive Secretary para sa mga kinakailangang kautusan upang maipatupad ang Fisheries Administrative Order (FAO) No. 266, series of 2020 na nagmamando sa mga commercial fishing vessels (CFVs) na magkabit ng vessel monitoring systems (VMS).

Ang DA at BFAR ay inatasan din ng Pangulo na pag-aralan ang pagkakaroon ng Strategic Agriculture and Fisheries Development Zones (SAFDZ) upang matiyak ang suplay ng isda sa bansa.