PBBM pangungunahan groundbreaking ceremony ng Samal Island-Davao City Connector bridge project

171 Views

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang groundbreaking ceremony ng Samal Island-Davao City Connector (SIDC) bridge project sa Huwebes.

Inaasahang makakasama ng Pangulo ang iba pang opisyal ng gobyerno para sa seremonya na hudyat ng pagsisismula ng konstruksyon ng P23 bilyong tulay na inaasahang magdadala ng kaunlaran sa lugar.

Ang tulay ay itatayo ng engineering company na China Road and Bridge Corporation (CRBC). May haba itong 3.98 kilometro at apat na lane.

Pagdurugtungin nito ang Samal Circumferential Road sa Island Garden City of Samal at R. Castillo –Daang Maharlika junction sa Davao City.

Ang 30 minutong biyahe sa bangka ay magiging limang minuto na lamang sa pagdaan sa tulay. Inaasahang matatapos ang proyekto sa 2027.

Nasa 90 porsyento ng gagastusin sa proyekto ay uutangin sa China.