BBM Tinatanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Public Financial Management (PFM) Reforms Roadmap para sa 2024-2028 sa Malacañan Palace nitong Martes. PPA POOL / MARIANNE BERMUDEZ

PBBM: PFM Reforms Roadmap layunin na masiguro transparency sa paggamit ng public funds

Chona Yu Sep 17, 2024
61 Views

BBM1BBM2DINALUHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ceremonial endorsement ng Philippine Public Financial Management (PFM) Reforms Roadmap 2024 – 2028.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na layunin ng repormang ito na i-transform ang paraan ng pangangasiwa sa public funds, upang mas masiguro ang accountability, efficiency, at transparency sa alokasyon at paggamit ng resources ng mga tanggapan ng gobyerno.

Sa pamamagitan din aniya nito ay masisigurong ang pera ng bayan ay magagamit nang mabilis at maayos lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad upang walang komunidad na mapag- iiwanan.

Ayon pa sa Pangulo, ang hakbang na ito ay tungkol sa public health access, para matiyak na hindi magiging pabigat sa taongbayan ang halaga ng pagpapagamot.

Layunin din nitong baguhin ang financial landscape ng pamahalaan ng Pilipinas, na tungo sa mas mahusay na public financial management ng bansa para sa maayos na pagsiserbisyo sa mga Filipino.

Giit ng Pangulo, kung mabilis ang pagkilos, at paggugol sa pondo, mas mabilis ding maipararating ang serbisyo ng gobyerno sa publiko.

Pinangunahan ng Public Financial Management Committe ang turnover na kinabibilangan ng Department o Budget and Management at mga kinatawan ng Comission on Audit, Bureau of Treasury, Department of Finance, Department of Information and Communications Technology, at ng National.Economic and Development Authority.