BBM

PBBM pinangunahan paglunsad ng National Fiber Backbone

Chona Yu Apr 19, 2024
119 Views

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglulunsad sa National Fiber Backbone (NFB) Phase 1 project nf Department of Information and Communications Technology.

Layunin nito na mapalakas pa ang internet connectivity sa bansa .

Ayon kay Pangulong Marcos, ang internet ang pinaka backbone ng kalakalan, komunikasyon at mga transaksyon sa mga komunidad.

Layon din anya ng proyekto ay madala ang micro,small, medium enterprises (MSMEs) sa digital space, para hindi kang makapagbenta lang sa kanilang village kundi kahit saan .

“Even as to what we refer to the nano-enterprises… I’m talking about the shoe shine boy, the mekaniko (mechanics)… all of these nano-enterprises will also have access to that and that will give them more opportunities and that is such an important part of the economic transformation that we are hoping to achieve here in the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tinawag din ni Pangulong Marcos, ang NFB Phase 1 project na “enormous breakthrough” dahil sa mabilis at reliable internet na maabot ang kanilang buong potensyal.

Ang pagtatapos ng susunod na limang yugto ng NFB sa 2026 ay magtataas pa sa penetration rate mula sa kasalukunag 33% hanggang sa 65% na aabot sa 70 sa 115 milyon na filipino sa buong bansa.