Liza2

FL Liza Marcos walang balak bweltahan mga bashers

Chona Yu Apr 19, 2024
34 Views

WALANG balak si First Lady Liza Marcos na bweltahan at kasuhan ang mga kritiko.

Sa panayam ng mamahayag na si Anthony Taberna, sinabi ni First Lady Liza na pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagsasampa ng kaso sa mga kritiko.

“You know, I’m a lawyer, right? Filing charges is my life. Kung ‘yan lang– eh, ‘wag naman. Sayang naman yung panahon ko. Filing case lang,” pahayag ni First Lady Liza.

Ayon kay First Lady Liza, hindi naman siya napipikon sa mga batikos.

“Ako I don’t get pikon in the sense that it’s really stupid na what they’re dong. Kumbaga sa level, they’re not even sophisticated, ‘di ba?,” pahayag ni First Lady Liza.

“Ako I get pikon when they hurt my sons. Like, for example, when President Duterte said, ‘Oh, si Sandro Marcos gusto maging Prime Minister.’,” dagdag ni First Lady.

Inihalimbawa pa ni First Lady Liza na maging si Pangulong Marcos ay hindi nagsasampa ng kaso sa nga kritiko.

“The lies became more and more stupid, right? It’s like, oh, my God! Ano ba naman kayo? Maawa naman kayo sa sarili niyo,” pahayag ni First Lady Liza.

Umaasa si First Lady Liza na matatapos ang mga batikos oras na bumaba na sila sa puwesto sa 2028.