Liza1

FL Liza di patola sa mga ampalaya

Chona Yu Apr 19, 2024
37 Views

Bring it on, honey!

Bwelta ito ni First Lady Liza Marcos sa mga bashers na patuloy na bumabatikos sa kanya, kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang pamilya.

Ayon sa First Lady, hindi siya bababa sa lebel ng mga bashers.

Tinanong ang Unang Ginang kung ano ang kanyang mensahe sa mga kritiko gaya nina Biliran Congressman Glenn Chiong, vlogger na si Maharlika, dating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte, Mayor Baste Duterte at Congressman Pulong Duterte.

“Me? Bring it on, honey, you’re the size of your enemy. You’re not my enemy like I said. I will never stoop [down] to that level. I will never stoop [down] to that,” pahayag ni First Lady sa panayam ng mamahayag na si Anthony Taberna.

“However, every time they say that they become uglier and uglier. So look at that their face. Di ba tayo cute pa din tayo. What a life. Bring it on. There’s such a thing as karma,” dagdag ng Unang Ginang.

Ayon sa First Lady, hindi siya napipikon sa mga banat.

Pero ibang usapan na aniya kung idadamay ang kanyang mga anak na sina Sandro, Vinny at Simon.