FL Liza Marcos

Mga banta ni Chiong wa epek kay FL Liza Marcos

Chona Yu Apr 19, 2024
34 Views

HAYAAN mo na siya.

Pahayag ito ni First Lady Liza Marcos sa banta ni Biliran Congressman Glenn Chiong.

Sa prayer rally sa Manila noong Marso, sinabi ni Chiong na sasampalin niya ang First Lady. Inaakusahan din ni Chiong na nandaya umano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos noong 2022 elections.

Naging bahagi si Chiong ng kampo ni Marcos nang maghain ng election protest laban kay dating Vice President Leni Robredo noong 2016 elections.

Ayon pa kay Chiong, nakipagpulong umano si First Lady Liza kay Smartmatic President Roger Piñate noong 2022.

“My first reaction was, ‘di ba, you’re an officer of the court? And then he says we cheated. Pero nandoon siya noong counting. Nandoon siya, he was part of our election team. So why do you wait one year to say we cheated? Eh, nandoon ka, eh. Every meeting nandoon ka,” pahayag ni First Lady Liza sa panayam ng mamahayag na si Anthony Taberna.

“You know, they say you’re the size of your enemy? Hayaan mo na siya. I hope he wins for I don’t know what– for congressman, or governor, or whatever,” pahayag ni First Lady Liza.