BBM1 Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawad ng parangal sa mga 2024 Outstanding Government Workers sa Malacañan Palace Miyerkules, Septyembre 18, 2024. Noel B. Pabalate/ PPA POOL

PBBM pinarangalan mga natatanging kawani ng gov’t

Chona Yu Sep 18, 2024
53 Views

BBMBBM2BBM3PERSONAL na ginawaran ng parangal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga natatanging kawani ng gobyerno.

Hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga ito na panatilihin ang transparency, accountability at integridad sa pagliingkod sa bayan.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa sa pagbibigay ng parangal sa mga nanalo sa 2024 Search for Outstanding Government Workers sa Malakanyang.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, dapat alalahanin na ang epekto ng kanilang trabaho ay hindi nakasasalay sa pagkilala o mga parangal na natatanggap kundi nasa mga puso, mga buhay na kanilang naabot at mga nabagong buhay.

“Let us continue to live by our constitutional mandate that public office is a public trust. We should remain transparent, accountable to all our people and to serve them with integrity, loyalty, and efficiency,” sinabi pa ni Pangulong Marcos.

Sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na kinilala ng Pangulo at ng Civil Service Commission (CSC) ang mga awardee para sa kanilang natatanging pagganap at pambihirang serbisyo.

Ang mga awardee ay nakatulong sa pagpapaunlad ng kahusayan, ekonomiya at pagpapabuti ng operasyin ng gobyerno.

Kabilang naman sa mga kategorya na binigyan ng parangal ay ang Presidential Lingkod Bayan, Outstanding Public Official and Employee Award o Dangal ng Bayan at ang CSC Pagasa Award.