BBM2

PBBM pinasinayaan energy storage system sa Bataan

224 Views

PINASINAYAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Battery Energy Storage Systems Facilities (BESS) ng San Miguel Global Power sa Limay, Bataan.

Ang BESS ang kauna-unahan sa Pilipinas at ang pinakamalaking integrated grid-scale battery energy storage project sa mundo sa kasalukuyan.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Pangulong Marcos ang San Miguel sa kanilang proyekto na malaki umano ang maitutulong upang mapatatag sa suplay ng kuryente sa bansa.

“With this technology in place, storage of power is made possible. Power could be stored when not needed or in times of oversupply, and released whenever required or when there is undersupply,” sabi ng Pangulo.

Ang 50-MW Battery Energy Storage Systems Facilities Bataan sa Limay, Bataan ay isa sa 32 pasilidad na itatayo at may kabuuang kapasidad na 1,000MW. Inaasahan na matatapos ito ngayong taon.

Ayon kay Ramon Ang, CEO ng San Miguel, ang BESS ay makatutulong ng malaki sa ekonomiya at buhay ng mga Pilipino.

Ang nakatagong kuryente sa pasilidad na itatayo ay maaaring agad na idagdag sa kinakailangang suplay sa grid upang maiwasan ang brownout.

Equally important, our facilities combined can support the integration of over 5,000MW of renewable power sources into the grid,” sabi ni Ang.

“They can store excess energy from traditional and renewable energy during low demand and release it back to the grid when demand increase or peaking,” dagdag pa ni Ang.

Binigyan-diin ni Ang ang pangangailangan na masuplayan ng kuryente ang bawat Pilipino kahit na sa malalayong lugar nakatira ang mga ito.