PCSO

Mananaya sa Agusan kumobra ng P12M sa MegaLotto

117 Views

ISANG mananaya mula sa Bayugan, Agusan del Sur ang kumobra ng P12.17 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola noong Marso 6.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isa lang ang nakakuha sa winning combination na 26-43-11-18-05-45.

“Sa ngayon po, ilalagak ko muna sa banko at pagiisipang mabuti kung paano ko magagamit ng tama ang napakalaking halaga pong ito na natanggap ko ngayon,” sabi ng nanalo nang tanungin kung ano ang kanyang gagawin sa premyo.

Sinabi ng nanalo na nakursunadahan lang nito ang mga numero na kanyang tinayaan. May dalawang dekada na umano siyang tumataya sa lotto.