PCSO

Nanalo ng P29.7M magbubukas ng motorbike business

118 Views

PLANO ng nanalo ng P29.7 milyon sa Grand Lotto 6/55 na magtayo ng motorbike business.

Ang nanalo ay pumunta na sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City para kunin ang kanyang premyo.

Siya ang nakakuha ng winning number combination na 45-29-12-03-26-51 sa bola noong Marso 11. Siya ay nakatira sa Davao City.

May 15 taon na umanong tumataya ng lotto ang nanalo na makailang ulit na ring tumama ng consolation prize.

Kung hindi lucky pick ay nangongorsunada lamang umano ito ng numero.