MMDA

Provincial bus papayagan sa EDSA sa Kuwaresma

143 Views

PAPAYAGAN ang mga provincial bus na bumiyahe sa EDSA upang tugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Kuwaresma.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) papayagan ang mga provincial bus mula Abril 3 hanggang 5 subalit tuwing alas-10 ng gabi lamang hanggang 5 ng umaga kinabukasan.

“Provincial buses coming from North Luzon shall terminate their trips at the bus terminals in Cubao, Quezon City,” sabi ng MMDA.

Ang mga bus naman na galing sa South Luzon ay maaari hanggang sa kanilang mga terminal sa Pasay City.

Pinagbawalan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang mga provincial bus na bumiyahe sa EDSA upang mabawasan ang mga sasakyang gumagamit nito at maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.