Sara

OVP tumulong sa mga apektado ng oil spill

121 Views

NAGPADALA ng tulong ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa mga naapektuhan ng Oriental Mindoro oil spill sa Verde Island sa Batangas.

Sa tulong ng mga lokal na opisyal ng Batangas ay naiparating ng OVP ang 1,310 Relief for Individual in Crisis and Emergencies (RICE) Food Box sa may 600 pamilya.

Ang mga nabigyan ng food box ay ang mga nakatira sa Barangay Liponpon, San Agapito, San Agustin Kanluran, San Agustin Silangan, San Andres, at San Antonio.

Nauna rito ay nagpadala na rin ang Office of the Vice President (OVP) ng tulong sa mga apektado ng oil spill sa Caluya, Antique.

Nasa 1,200 food box ang naipamigay sa Barangay Semirara, Tinogboc, Alegria, Sibolo, at Sitio Liwagao.

Ang oil spill ay mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28.