BBM2

PBBM sa DICT: Tulungan LGU sa e-Gov system

325 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na tulungan ang mga lokal na pamahalaan sa e-Gov system na bahagi ng digitalization initiative ng gobyerno.

Inihayag ni Pangulong Marcos ang direktiba kay Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy sa isinagawang sectoral meeting sa Malacañang.

“Let’s capacitate our LGUs so they can adapt to the system,” ani Pangulong Marcos kay Uy.

Ayon kay Uy sa pamamagitan ng e-Gov ay makatitipid ang mga lokal na pamahalaan at matutulungan na tumaas ang kita ng mga ito.

“So again it all boils down to that. That’s really the essence of digitalization. Let’s be sure that we are able to upgrade this system. Set it up to get them (LGUs) ready, so they know how to operate it,” sabi pa ng Pangulo.

Ayon sa DICT ang e-Gov system, kasam na ang e-Gov Super App, ay isang platform na naglalayong gawing digitalize ang sistema ng gobyerno sa buong bansa.

Kasama sa programa ang sentralisasyon ng government cloud service, e-Report na magagamit ng publiko sa paghahain ng reklamo, at e-Gov App na magagamit sa pagkuha ng mga serbisyo ng gobyerno.

Nakatakdang ilungsad ang e-Gov Super App sa susunod na buwan.