Calendar
PBBM sinaksihan paglagda sa kasunduan sa pagitan ng MIC, SGP
SINAKSKIHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang paglagda sa binding term sheet agreement para sa pagbili ng Maharlika Investment Corporation (MIC) sa 20% shares ng Synergy Grid and Development Philippines Inc. (SGP) sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
“Congratulations, everyone. I know it wasn’t easy. I think, in the end, we found a good solution to everyone’s concern,” pahayag ni Pangulong Marfos.
Sina MIC President and Chief Executive Officer Rafael Consing, Jr. at SGP Chairman Henry T. Sy, Jr. ang lumagda sa kasunduan.
Ang MIC ang nangangasiwa sa sovereign wealth fund ng Pilipinas
Sa kasalukuyan, ang SGP ay mayroong 40.2% effective ownership shares sa NCGP.
Sa oras na makumpleto na ang acquisition ng shares, ang MIC ay magkakaroon na ng tig- dalawang board seat sa SGP at NGCP.
“Once the acquisition is completed, we shall be entitled to two out of nine seats in the SGP board, after the total seats are increased from seven to nine. At NGCP, the government gains representation through two out of 15 board seats, following an increase in the total seats from 10 to 15,” pahayag ni Consing.
Ayon kay Consing, ang flagship investment na ito ay magbibigay seguridad sa power supply ng bansa, mula sa external threats at disruptions, lalo’t magkakaroon na ng boses ang pamahalaan sa mga desisyon ng NGCP.
Matatandaan na simula noong Enero 2009, ang NGCP ang bukod tanging may kapangyarihan sa management at operasyon sa transmission system sa buong bansa.