BBM1 Nagsasagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Bataan, Pampanga, at Bulacan upang tingnan ang pinsalang dulot ng bagyong Carina. PCO

PBBM tiningnan pinsala ng bagyong Carina sa C. Luzon

Chona Yu Jul 27, 2024
95 Views

NAGSAGAWA ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lugar sa Central Luzon na sinalanta ng bagyong Carina at Habagat.

Kabilang sa mga inikutan ni Pangulong Marcos ang Pampanga ay Bulacan.

Inalam din ni Pangulong Marcos ang lawak ng pinsala ng oil spill mula sa lumubog na MT Terranova malapit sa Bataan.

Nitong Huwebes ay lumubog malapit sa Liway, Bataan ang local oil tanker na MT Terranova kung saan pinapangambahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsirit ng 1.4 milyong litro ng industrial fuel sa katubigan.

“We are racing against time and we will try to do our best to contain it immediately and stop the fuel from leaking,” ayon kay PCG spokesperson Rear Adm. Armand Balilo.

“There is a big danger that Manila will be affected, even the shoreline of Manila if the fuel [leaks] because it is within Manila Bay,” dagdag niya.

Matatandaang isinailalim naman ang ilang mga probinsya sa gitnang Luzon matapos manalasa nitong Miyerkules ang Habagat na pinalakas ng supertyphoon na si ‘Carina.’