Calendar
PBBM tiwala pa rin kay Sec Frasco
NANANATILI ang tiwala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Tourism Sec. Christina Frasco sa gitna ng kontrobersya kaugnay ng bagong tourism campaign ng bansa.
Sa panayam, sinabi ni Pangulong Marcos na naging mabilis ang ginawang pag-aksyon ni Frasco sa kontrobersya.
“Yes, absolutely. No question,” ani Pangulong Marcos ng tanungin kung nananatili pa rin ang tiwala nito sa kalihim.
“I spoke to her… Nakita ko naman mabilis ang galaw niya,” dagdag pa ni Marcos.
Agad na kinansela ni Frasco ang kontrata ng DDB Philippines matapos nitong aminin na hindi orihinal ang lahat ng footage na kinuha nito sa isang promotional video para sa Love the Philippines slogan.
“As DDB Philippines has publicly apologized, taken full responsibility, and admitted in no uncertain terms, that non-original materials were used in their AVP, reflecting an abject failure to comply with their obligation/s under the contract and a direct contravention with the DOT’s objectives for the enhanced tourism branding, the DOT hereby exercises its right to proceed with termination proceedings against its contract with DDB,” sabi ng DOT sa isang pahayag.
Layunin ng bagong promotional campaign na maparami ang turistang bumibisita sa bansa.