PBBM

PBBM todo trabaho kahit may sipon, ubo

Chona Yu Sep 18, 2024
20 Views

HINDI nagpapatinag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtatrabaho kahit tinamaan na ng sakit.

Sa Awards Rites for the 204 Outstanding Government Workers na ginanap sa Palasyo ng Malakanyang, inamin ni Pangulong Marcos na mayroon siyang ubo at sipon kung saan nahawa siya sa karaniwang sakit ng marami.

Pero ayon sa Pangulo, hindi ito nakapaipigio sa kanya na tuparin ang tungkulin bilang punong ehekutibo.

“I’m sorry I have picked up what everybody else seems to have, which is a cough and a cold. But it will not slow me down,” pahayag ni Pangulong Marcos sabay punas sa sipon.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pagbibigay ng gantimpala sa mga nanalo sa 2024 Search for Outstanding Government Workers sa Malakanyang.

Matatandaang nakasuot ng facemask si Pangulong Marcos nang magsagawa ng sectoral meeting noong Martes.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, under the weather ang Pangulo kung kaya nagsuot ng facemask.