Undas

PBBM: Undas panahon ng pagninilay

Chona Yu Oct 31, 2024
10 Views

NAKIISA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paggunita sa All Saint’s Day at All Souls’ Day.

Hinikayat ni Pangulong Marcos ang lahat na gamitin sana ang panahon ng Undas para mas maging mabuting tao at Filipino para sa ikauunlad ng bayan.

“I join all Filipino Catholics in the Philippines and around the world in observing All Saints’ Day and All Souls’ Day,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Today, we remember those who paved the way for our present prosperity through their example of faith and love for others,” dagdag ng Pangulo.

Sabi ni Pangulong Marcos, ang All Souls’ Day ay panahon ng pagninilay ng mga taong pumanaw na nagsakripisyo at nagbigay serbisyo.

“This is the opportune moment to fortify our bond for the betterment of our spiritual life, not only with the divine but also with one another,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Dagdag ng Pangulo, ang All Saints’ Day naman ay pagpapaalala sa buhay ng mga Santo na nagbigay ng extraordinary compassion, kindness, at humility.

Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga Filipino na naglaan ng oras kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.

Dapat din aniyang bisitahin ang mga Mahal.sa buhay na pumanaw na at mag-alay ng taimtim na panalangin.

“May this remind us of the values that shall endure through us as a nation: faith, resilience, and hope,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Reflecting on our journey in this world, let us strive to live with love and compassion for others, ever seeking the common good, just as the saints and our loved ones did in their time,” dagdag ng Pangulo.