Veggies

PBBM veggies ipinamigay sa Pasay

Edd Reyes Apr 19, 2026
50 Views

IPINAMAHAGI ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang mga donasyong gulay mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga residente ng lungsod noong Linggo.

Biyernes natanggap ng Pasay ang bahagi ng 12 toneladang gulay na pinakyaw ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa La Trinidad, Benguet upang ipamahagi ng libre sa mga higit na nangangailangan.

Nagpasalamat si Mayor Emi sa Pangulo sa natanggap na donasyon na may kaugnayan sa “Walang Gutom Program” na unang inilunsad sa Pasay City.

Ang pamamakyaw ni Pangulong Marcos sa mga produktong agrikultura ay tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka sa La Trinidad, Benguet na nahihirapang iluwas sa Maynila ang kanilang mga produkto dahil sa sobrang mahal ng petrolyo.

Bukod sa Pasay at Quezon City, naipadala na rin ang mga donasyong gulay sa Caloocan City Hall North, Navotas Convention Center sa Navotas City at sa Potrero, Malabon City.