MPD Sinaksihan ni NCRPO Chief Police Major Gen. Anthony A. Aberin ang turnover at change of command ceremony nina outgoing MPD Chief PBGen. Arnold Thomas Ibay at incoming MPD Director PBGen. Benigno L. Guzman na ginanap sa MPD Headquarters sa UN Avenue, Ermita, Manila.

PBGen. Guzman papalit kay phenomenal general PBGen. Ibay bilang MPD chief

Jon-jon Reyes Apr 11, 2025
33 Views
MPD1
Ang paglalagay kamakailan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ng bagong ranggo ni MPD Chief PBrig. Gen. Benigno L. Guzman na one-star general.

NAGSAGAWA ng turnover ceremony ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) ng Biyernes para kay outgoing MPD chief, the “phenomenal general” PBGen. Arnold Thomas Ibay, at kay incoming District Director PBGen. Benigno L. Guzman.

Si Guzman ay pormal nang naupo sa puwesto bilang bagong ama ng mga kapulisan ng Maynila, kasunod ng idinaos na turnover of command ceremony sa punong tanggapan ng MPD sa United Nations Avenue, Ermita, Manila.

Pinalitan ni Guzman sa puwesto si Ibay na itinalaga naman sa Police Regional Office (PRO) Negros Island Region (NIR) kung saan uupo siya bilang officer-in-charge (OIC).

Makakasama niya ang iba pang pangunahing opisyal na sina Lt. Col. Arnel Solis, tagapagsalita ng PRO6; PCol. Dennis Esguerra bilang OIC deputy regional director for administration; PCol. Gilbert Gorero, OIC chief of regional staff; at PCol. Ronaldo Palomo, Regional Operations Management Division OIC.

Pinalitan ni Ibay sa naturang posisyon si PBGen. Jack Limpayos Wanky na OIC ng PRO-NIR at naging hepe ng PRO6 o concurrent regional director.

Bago naging OIC MPD chief, si Guzman ay naglingkod rin bilang director ng PNP Manila District Office na may ranggong one-star general.

Ang change of command ceremony ay dinaluhan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, na nagsilbing guest of honor at speaker ng okasyon.

Kasama rin si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMGen. Anthony A. Aberin na siya namang nagsilbing presiding officer sa seremonya.

Nabatid na noong Marso 27, 2025, nang ma-activate ang PRO-NIR kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pahusayin ang seguridad at pamamahala sa bagong tatag na rehiyon na ang punong-tanggapan ay sa Camp Alfredo Montelibano Sr. sa Bacolod City.

Ang PRO-NIR ay binubuo ng Negros Occidental Police Provincial Office (PPO), Negros Oriental PPO, Siquijor PPO at Bacolod City Police Office.