BBM

PBMM admin buo suporta sa PCG

Chona Yu Oct 22, 2024
33 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi nag-iisa ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagharap sa mga hamon nito para pangalagaan ang bansa.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa ika-123 na anibersaryo ng Philippine Coast Guard, sinabi nito na buo ang suporta ng administrasyon sa PCG.

“Be assured you are never alone in carrying the weight of this mission,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Bukod sa pagbabantay sa mga baybaying dagat, nahaharap din ang PCG sa mga hamon sa climate change, rising sea levels, at geopolitical tensions.

“As we look ahead, we must recognize that the challenges you face are growing more complex. Climate change, rising sea levels, and geopolitical tensions mean that the stakes have never been higher,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasa 37 milyong kilometrong baybayin ang binabantayan ng PCG pati na ang Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Kasabay nito, binigyang pagkilala ni Pangulong Marcos ang mga natatanging tauhan ng PCG.

“This Administration reaffirms its support to efforts that will improve your fleet and our air assets as well, to maritime domain awareness, weapons capability, and necessary infrastructure development. This will boost your capacity to respond to any operations,” pahayag ni Pangulong Marcos.