Kuwento ng mga kabit, babaeng bayaran
Nov 23, 2024
Kathryn tumanggag ng award sa LA
Nov 23, 2024
Calendar
Other Sports
PCAP winners tatanggap ng pabuya
Ed Andaya
Jul 3, 2023
329
Views
BUKOD sa magandang exposure sa gagawing paglahok sa first Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Inter-School chess championships simula July 8, makaaasa ang mga mananalong teams na makapag-uuwi ng kaukulang cash prizes.
Inihayag ni PCAP president- commissioner Atty. Paul Elauria na ang mananalong team sa naturang four-day competition ay mag-uuwi ng kabuuang P30,000 cash prize.
Ang runner-up tatanggap ng P20,000, ang third placer ay P10,000 at fourth placer P5,000.
“We want to give our young players the opportunity to experience playing chess, PCAP-style. But we’re also giving away juicy cash prizes to all the winners for their efforts,” paliwanag ni Elauria, patungkol sa kumpetisyon na bahagi ng pagdiriwang ng International Chess Day sa July 20.
Sa kasalukuyan, higit 30 universities and colleges ang nakapagpatala na tournament, na gagawin din sa July 9, July 15 at July 16.
Nangunguna sa mahabang listahan anf Ateneo de Manila, La Salle-College of St. Benilde, Chiang Kai Shek College, St. Stephen’s High School, San Sebastian College, Jose Rizal University,
International School, VCIS-Taguig, VCIS-Pasig, Technological Institute of the Philippines, MGC, Rizal High School, LICS-Pasig 1, LICS Pasig-2, at provincial teams Ateneo de Zamboanga, Silliman University at University of Nueva Caceres.
Nagpahayag naman ng kasiyahan si PCAP chairman Michael Angelo Chua ng two-time PCAP champion San Juan Predators sa madaming kalahok para sa inaugural PCAP Inter-School tournament.
“Most of the participating colleges and universities have strong and vibrant chess program for their students. We hope to encourage other schools to do the same through this PCAP competition,” pahayag ni Chua.
Bukod sa Inter-School Championship, ilulunsad din ng PCAP ang Inter-Commercial League sa August at ang pinakaaabangang PCAP Wesley So Cup sa September.
“After the PCAP First Conference won by the Pasig Pirates of Mayor Vico Sotto and coach Franco Camillo, we are moving on with more tournaments in the second half of the year,” dagdag ni Elauria.
Hilario wagi ng tatlong gold sa National Para Games
Nov 13, 2024
Unang ginto, pag-aagawan sa Para Games
Nov 11, 2024
Pinoy paddlers hindi palulupig
Oct 30, 2024
Women’s Run PH dadayo sa Iloilo
Oct 30, 2024
IP Games, asam gawing institusyon
Oct 30, 2024
Russian players nagpakitang gilas sa Tagaytay
Oct 16, 2024
Toledo Trojans hindi maawat
Oct 11, 2024