Calendar
PCSO umani ng pagkilala sa Pangulo ng World Lottery Association
NAGTAMO ng pandaigdigang pagkilala ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bunga ng dedikasyong gamitin ang kita mula sa loterya para suportahan ang kapakanan ng publiko at pagka-kawanggawa.
Mismong si World Lottery Association (WLA) President Andreas Kötter ang nagsalarawan sa loterya sa Pilipinas bilang natatanging halimbawa ng responsableng pagsusugal at pangangalap ng pondo para sa mabuting layunin nang magsalita sa World Lottery Summit (WLS) 2026 sa Sydney, Australia.
Ang pagkilala ay nagpatibay lamang sa PCSO sa kanilang mandato na kumalap ng pondo para sa medical assistance, healthcare programs, at iba pang serbisyong pangkawang-gawa para sa mamamayang Pilipino sa buong bansa.
Malugod namang tinanggap ni PCSO General Manager Melquiades A. Robles, na nahalal noong Setyembre bilang Vice President ng Asia Pacific Lottery Association (APLA), at sinabing sumasalamin lamang ito sa kanilang pangako na tiyaking ang operasyon ng loterya ay nakatutok sa pagsisilbi sa mas malawak na kapakanan ng publiko.
“Every peso that goes toward our charitable programs represents an opportunity to provide medical assistance, support communities, and make a meaningful difference in people’s lives,” pahayag ni Robles.
Nagpasalamat naman si Kötter sa aktibong pakikilahok ng Pilipinas sa summit na aniya ay pagpapakita lamang ng pananagutan ng bansa sa pandaigdigang komunidad ng loterya. “I’m so happy that so many Filipinos came over to Sydney. That really shows the commitment of the lottery of the Philippines to the system, and also to WLA,” pahayag pa niya.

