Calendar

Pedicab driver nasagip sa 3rd tangkang magpakamatay
MAPAYAPANG nasabip ng mga operatiba ng BFP ang isang 43-anyos na lalaki matapos ito umanong magtangakng tumalon mula sa bubong ng isang tahanan sa kahabaan ng Victoria St Intramuros,Ermita Manila, Myerkules ng gabi.
Nakilala ang lalaki na alyas Jessie, 43, pedicab driver at residente ng 734 Victoria St,.Brgy 657, Intramuros, Manila.
Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, hepe ng MPD Ermita PS 5, nakatangap ng tawag ang Intramuros PCP sa ilalim ni PLt.Gabriel DC Torres kaugnay sa isang lalaki na umakyat sa bubong at tila tatalon ito.
Agad na rumesponde ang mga kapulisan upang alamin ang nasabing sumbong kasunod ang mga kagawad ng Intramuros BFP sa pangunguna ni Yuell Loraine Deguzman kasama ang MPD SWAT sa pangunguna ni PCMS Christioher Lubrin,at Red Cross Manila sa pangunguna naman ni Patrick B Sevilla
Dito na nakita ng mga rumespondeng pulis ang lalaki na nasa taas ng bubong ng mga kabahayan sa nasabing lugar,.
Agad kinordon ang lugar.
Napag-alaman naman ng mga residente doon na pangatlong beses na nagtangka umanong magpakamatay ng nasabing lalaki.
Bandang alas 7:01 ng gabi ng masagip at mahawakan ng isa sa mga kagawad ng BFP Rescue team ang lalaki at nasagip ito.
Kaagad dinala sa nasabing stasyon ang lalaki na nahaharap sa kaukulang kaso.