Michael V

Pepito Manaloto di pa matatapos

Aster A Amoyo Apr 24, 2024
139 Views

NILINAW ni Michael V. na hindi pa magtatapos ang top-rating sitcom nila na Pepito Manaloto.

Naglabasan ang komento tungkol sa pagtatapos ng award-winning sitcom nang makita ng netizens ang group hug photo ng cast na i-pinost ng comedian na si John Feir sa Instagram.

Heto ang naging pahayag ni Bitoy: “’Yung group hug na ‘yun, actually ‘yung photo na yun ang nire-represent nun is ‘yung group hug namin, parang remembrance. Appreciation, natuwa lang kami na after all these years, after nung pandemic, magkakasama pa rin kami.”

Naging emotional lang daw si Manilyn Reynes dahil tumagal ng 14 years ang kanilang show.

“Naiyak kami kasi hindi po namin maisip na hanggang ngayon, sa tinagal-tagal ng Pepito Manaloto, 14 years na kami, talagang nandiyan sila simula’t simula. Nakakataba ng puso.”

Voltes 5 muling mapapanood

SIMULA May 6, muli nang mapapanood ang groundbreaking Philippine adaptation ng iconic anime na Voltes V sa nangungunang GMA Afternoon Prime.

Excited na ang isa sa lead stars ng serye na si Raphael Landicho, ang child actor na gumanap bilang Little John, dahil sakto sa summer vacation ang muling pagpapalabas ng serye.

“Masaya po kasi volting in again with the Kapuso para ‘yung mga bata, mas makikita po nila kami sa TV and mas ma-e-enjoy nila ang mga robot,” sey ni Raphael.

Sang-ayon naman dito si Radson Flores na gumanap bilang Mark Gordon: “‘Yung date po na ipapalabas ‘yung Voltes V is nearing summer so mas may time po ‘yung mga tao na makapanood ‘yung mga hindi po nakasubaybay. Na-e-excite po kami, ”

Bibida rito sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho na gumanap bilang Voltes V team.

Mula ito sa produksyon ng GMA Entertainment Group sa pakikipagtulungan ng Telesuccess Productions at TOEI Company.

Sofia napasaya ang lahat sa debut party

NAGPAPASALAMAT si Sparkle Teen Star Sofia Pablo sa mga naki-celebrate sa kanyang 18th birthday last April 20 sa Raffles Hotel in Makati City.

Masaya si Sofia dahil na-accomplish niya ang mapasaya niya lahat ng mga dumating sa kanyang tropical-themed debut party na may hashtag na #SofiasTropicalJourneyTo18.

Nag-enjoy ang mga bisita sa kakaibang cotillion ni Sofia dahil iba’t ibang Tiktok dances ang sinayaw nila ng 18 boys na inabutan siya ng tropical flowers imbes na roses.

Kabilang sa mga 18 boys ay ang father ni Sofia, GMA executive Joey Abacan, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, Wendell Ramos, Gio Alvarez, Will Ashley, Vince Maristela, Sean Lucas, Anjay Anson, Bruce Roeland, Bryce Eusebio, Joaquin Domagoso, Larkin Castor at siyempre, ang last dance niya ay ang loveteam niya na si Allen Ansay.

Hinarana naman ang debutante ng grupong Alamat, na kinabibilangan nina Taneo, Mo, Jao, Tomas, R-Ji, at Alas inawit nila ang kanilang hit song na “Day and Night.”

Mga nagbigay ng wishes kay Sofia ay sina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, Sanya Lopez, Bianca Umali, Ashley Ortega, Mikee Quintos, Ysa Ortega, Muriel Romadilla, Kate Valdez, Tanya Ramos, Bea Borres, at Lexi Gonzales.

Na-excite nga si Sofia sa pag-turn 18 niya noong April 10 pa. Marami na raw siyang puwedeng gawin ngayong legal age na siya.

“Mas hindi na po limited yung characters na puwedeng gampanan. Kasi like before may mga hindi pa puwede…masyado pa siyang bata, laging ganoon,” sey pa ng Sparkle Next Gen Leading Lady.

Kaya sa next project nila ni Allen na Prinsesa Ng City Jail, hindi na raw pabebe ang Team Jolly dahil mas mabibigat daw ang mga eksena na siyang susubok sa kakayahan nila bilang mga artista.