Dollar

Peso-dollar exchange rate pumalo sa P52

536 Views

MATAPOS ang mahigit dalawang taon, umabot muli sa P52 ang palitan ng isang dolyar.

Naitala ito noong Lunes, Marso 7 kung saan nagsara ang palitan sa P52.001 kada dolyar.

Bago ito, huling naitala sa P52 level ang palitan noong Setyembre 30, 2019.

Posible umanong lalo pang humina ang piso dahil sa epekto sa bansa ng gera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa pagtaas ng presyo ng kurudo sa pandaigdigang pamilihan ay mas maraming dolyar ang lalabas sa Pilipinas na magpapahina sa halaga ng piso.