Calendar
Nagsagawa ng pagsisiyasat at kinordon ang UP-PGH ng mga kapulisan ng MPD upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.JONJON C. REYES
PGH, UP, 2 campus sa Visayas nakatanggap ng bomb threat

AGAD na rumesponde ang mga operatiba ng MPD District Explosive Canine Unit (DECU) kasama ang SWAT ng MPD matapos makatangap ng isang tawag na may bomba na sasabog sa UP Philippine General Hospital sa Ermita Manila, huwebes ng umaga.
Ang bomb threat ay natanggap at nakita nina Nico Deleon, nasa hustong gulang, programmer, sa UP Manila PGH, Ermita, Manila: at Dra. Kastel Ramo, 30, doctor ng family and community medicine ng PGH.
Nitong Nobyembre 13, 2025, bandang 9:00 AM, nakatanggap si De Leon ng email mula sa email address na “tangina. niyo12345@gmail.com” na naglalaman ng sumusunod na mensahe:“ANG LUGAR NA ITO AY PUGAD NG NPA SA MAYNILA. AKSYA SA PONDO NG BAYAN. MGA BATANG PURO NGAWA ANG AMBAG SA LIPUNAN. PINAPAARAL NGAYON PARA LANG MAGING TRAYDOR SA GOBYERNO KINABUKASAN! NGAYONG ARAW SASABOG…ANG MENSAHE NG MGA TUNAY NA PILIPINO. WALANG LUGAR SA BAYANG ITO ANG TERORISTA!!! DAPAT PINUPUKSA ANG TERORISMO!!!”
Agad tumugon ang mga tauhan ng Ermita PS5 na sina PCpl Gelly May Barlaan, MPD DECU sa pangunguna ni PCPT Christopher Milan DID,MPD at mga tauhan ng SWAT.
Kasunod nito, ipinasa ang nasabing mensahe sa group chat ng CIS at Office of the Councilor para sa impormasyon. Iniulat agad ang insidente sa Manila Police District (MPD) Headquarters.
Rumesponde din ang mga tauhan ng J. Bocobo PCP at nagbigay ng seguridad.
Ang MPD SWAT at MPD DECU ay tumugon at ang huli ay nagsagawa ng paneling sa paligid ng UP PGH.
Bandang 12:00 ng tanghali sa paneling sa paligid ng PGH, sinabi ni Dra. Ramo na nakatanggap siya ng mensahe sa TELEGRAM na nagsasabing “NAKAPASOK NA PASABOG SA LOOB NG PGH.” Ito ay agad niyang iniulat sa UP Police Office.
Sa isinagawang paneling ay idineklarang walang bomba at panganib sa lugar.
Sinuyod naman ng mga operatiba ng Quezon City Police District ang University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City matapos na makatanggap rin ng bomb threat nitong Huwebes ng umaga.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ng UP Diliman College of Social Work and Community Development (CSWCD) na isang social media user na nagngangalang “Rhea May Magnanakaw” ang nag-post ng banta sa isa sa mga online page ng paaralan.
Dahil dito agad inireport ng UP Diliman Office of the Vice Chancellor for Community Affairs ang campus police, na nakipag-coordinate sa Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal (PNP EOD).
“No explosive materials were found. We will also conduct our own room-to-room inspection today,” ayon kay CSWCD Dean Justin Francis Leon Nicolas.
Sa Visayas, ang mga estudyante ng Iloilo Science and Technology University ay lumipat sa online na pag-aaral kasunod ng napaulat na banta ng bomba pasado alas-8 ng umaga noong Huwebes (Nov. 13, 2025).
Iniimbestigahan ng Police Regional Office sa Western Visayas ang serye ng bomb threat sa mga paaralan sa lalawigan. ng Iloilo City Public Order and Safety Management.
Patuloy ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nasa likod ng serye ng mga bomb threat na nakagambala sa pagsasagawa ng klase sa iba’t ibang paaralan sa lungsod at lalawigan ng Iloilo, at panagutin ang mga ito.
Dalawang bomb threat ang naitala ng Police Regional Office sa Western Visayas (PRO-6) nitong Miyerkules – sa Sambag, Jaro campus ng University of San Agustin at sa Janiuay campus ng West Visayas State University.
Nitong Huwebes ng umaga, isa pang banta ang iniulat sa Iloilo City campus ng Iloilo Science and Technology University (ISAT U).
Kasunod ng banta, ang mga face-to-face na klase sa ISAT U ay lumipat online, at ang mga guro at hindi nagtuturo na tauhan ay pinayuhan na magtrabaho mula sa bahay.
Sinabi ng PRO-6 na lahat ng mga banta ay napatunayang mali matapos ang masusing pagbeberipika ng mga kinauukulang yunit ng pulisya, kasama ang Explosives and Ordnance Disposal (EOD) at Canine Units..
“Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at tauhan ng paaralan ang ating pangunahing priyoridad. Mahigpit nating kinokondena ang anumang pagkilos na naglalayong maghasik ng takot at guluhin ang kapayapaan sa ating mga komunidad. Manatili tayong kalmado, mapagbantay, at magkaisa sa pagtiyak na ang ating mga paaralan ay mananatiling ligtas na lugar para sa pag-aaral,” sabi ni PRO-6 Director Brig.Gen. Josefino Ligan sa isang pahayag.
Pinaalalahanan ng nang pulisya ng rehiyon na ang malisyosong pagpapakalat ng maling impormasyon o ang sadyang paggawa ng mga pagbabanta na kinasasangkutan ng mga bomba, pampasabog, o mga katulad na kagamitan ay bumubuo ng isang kriminal na pagkakasala sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727, serye ng 1980, o ang Anti-Bomb Joke Law..
Ang mga lalabag ay maaaring makulong ng hanggang limang taon, o magmulta ng hanggang P40,000, o pareho sa pagpapasya ng korte.
“Ang panawagan nito sa publiko na iwasang magpakalat ng hindi pa beripikadong impormasyon at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad, bagay, o tao sa 911 o sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya,” sabi ni PBGen. Josefino Ligan. Kasama si MELNIE RAGASA-JIMENA

